Friday , November 15 2024

Noong school year 2021-2022
404 MAG-AARAL PATAY SA SUICIDE 2,174 NAGTANGKAMAGPAKAMATAY

ni Niño Aclan

NABUNYAG sa senadona 404 mag-aaral ang namatay sa suicide at 2,174 mag-aaral ang nagtangkang magpakamatay noong taong aralan 2021-2022 o sa panahon ng pandemya.

         Nabatid ito mula sa nakalap na datos ng tanggapan ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian, mula kay Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Dexter Galban.

Ayon kay Gatchalian, lubhang nakalulungkot at nakababahala ang mga datos na ang nakikitang dahilan ay epektong dulot ng pandemya, social media at problema sa pamilya.

Kung dati ay tanging physical at mental na usapin lamang ngayon ay malubha na talaga ang usaping emosyonal lalo kapag nagkaroon ng depression ang isang indibidwal.

Naniniwala si Gatchalian, matagal na ang suliraning ito ngunit hindi lamang napapansin sa ating lipunan.

Tinukoy ni Gatchalian na kailangan ng ating bansa sa kabuuan ng mga paaralan ang mahigit 43,000 guidance counselors na siyang gagabay sa mga mag-aaral na dumaraan sa naturang emosyon.

Nalulungkot si Gatchalian sa katotohan na mayroon lamang 4,000 guidance counselors sa buong bansa na lubhang kulang na kulang sa kasalukuyang bilang ng mga mag-aaral.

Tinitingnan ni Gatchalian na ang mababang suweldo ang dahilan nito sa kabila ng requirements na master’s degree.

Ipinunto ni Gatchalian, nasa salary grade 11 ang isang guidance counselor na katumbas ng P27,000 kada buwan kung kaya’t dahil dito ay nais niyang irekomenda na itaas ito sa salary grade 16.

Kaugnay nito, sinuportahan ni Senador Manuel “Lito” Lapid ang pagpapatatag sa pagpapatupad ng mental health services lalo na’t patuloy na tumataas ang mental health issues hindi lamang sa mga mag-aaral kundi maging mga teaching at non-teaching personnel.

Dahil dito inihain ni Lapid ang Senate Bill (SB) No. 1795 o kilala sa tawag na “Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act” na magtatatg ng isang Mental Health and Well-being Offices sa bawat school division para tumutok sa mental, emotional, at developmental needs ng mga mag-aaral at personnel ng Department of Education (DepEd).

“Nakababahala itong pagtaas ng kaso ng anxiety, stress, at depression hindi lang sa ating mga mag-aaral, kundi pati na rin sa ating mga teaching and non-teaching personnels,” ani  Lapid.

Tinukoy ni Lapid ang ipinalabas na datos ng Department of Health (DOH) na nasa mahigit 3.6 milyong Pinoy ang nahaharap sa mental health issues lalo na nitong pandemya. “Nakalulungkot na hindi pa rin gaano kinikilala ang bigat ng usapin pagdating sa mental health at ang katotohanan na ang mahinang kalusugan ng isip ay maaaring makagambala sa kakayahan ng isang tao na mag-isip nang malinaw at makapagdesisyon nang maayos,” dagdag ni Lapid. 

About Niño Aclan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …