COOL JOE!
ni Joe Barrameda
HATS off kami kay Alden Richards sa mga isiniwalat niya nang mag-guest sa show ni Boy Abunda.
Ibinahagi niya roon ang muntik na maka- relasyong sina Julie Anne San Jose at Winwyn Marquez.
Dito sa show ni Kuya Boy Abunda ay humingi rin siya ng paumanhin sa dalawa at very emotional siya nang napag-usapan ang inang namayapa na at nangarap na maging artista si Alden pero hindi na naabutan ang pagiging niya.
Originally piloto ang ambisyon ni Alden pero dahil sa wish ng ina ay pinasok nito ang pag-aartista at nagtagumpay naman siya sa pagpapakilig sa sambayanan. Kaya lagi niyang naaalala ang ina na feeling niya ay lagi siyang binabantayan.
Sa sobrang pagmamahal at marespeto sa magulang ay puro blessings ang dumarating kay Aden at hindi siya maramot at madalas na nagse-hare ng blessings.
Ganyan si Aden Richards.