Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bongbong Marcos Toni Gonzaga

Toni naiyak sa mensahe ni PBBM 

HINDI kami nagsisisi sa panonood ng I AM TONI G, ang 20th anniversary ni Toni Gonzaga sa showbiz. Bukod diyan ay kaarawan din niya noong Biyernes, January 20. 

Puno ang Smart Araneta Coliseum na ilang araw ang nakararaan ay mahina raw ang benta ng ticket at may mga nam-bash kay Toni. Pero nang mga huling araw ay biglang bumuhos ang mga bumili ng ticket at completely sold-out. Mukhang gumalaw ang mga BBM supporter at ayaw nilang ipahiya si Toni G na buo ang suporta sa Unity Team.

Napakaganda ng concert na inumpisahan ng mga fast numbers bago sumalang ang ang first guest na si Alex Gonzaga. Nagbunyi ang mga tao sa mga number ni Alex na may pagka-jologs at sa tandem nilang magkapatid na ginawang joke ang tatlong araw na nag-trending si Alex at kaya ayaw na raw nitong mapalapit sa cake.

After Alex ay si Andrew E naman ang sumalang. Alam naman natin kapag si Andrew E ang nag-perform, kalog ang buong Smart Araneta at matatandaan na magkasama sina Toni At Andrew E sa mga campaign sorties ng BBM Unity Team at panay ang kantiyaw ni Alex sa mga pinaggagawa ng dalawa sa Unity sortie na naging successful naman.

Pinakanta ni Toni ang kanyang daddy na nag-guide raw sa kanyang singing career. Kinanta nito Ang Ikaw na sinalo naman ni Martin Nievera na pangatlong guest ni Toni sa gabing iyon. Kaya napakaganda ng flow ng concert na iyon na hindi nanghinayang ang mga nanood. Ang gncore ni Toni in flaming red outfit ay ang I Am A Tiger na naging simbolo ni BBM noong mga panahon ng kampanya. Si Bongbong ang tigre at si VP Sarah ang Agila. 

Hindi man nakarating ang mga Marcos sa concert ni Toni ay nagpadala naman ng mensahe ng pasasalamat at pagbati via video si PBBM sa suportang ibinigay ni Toni noong panahon ng kampanya na nagpaiyak sa singer/aktres. 

Congratulations Toni. (Joe Barrameda)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …