Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jose Guilas

Jose Guilas ng PTV4 napansin ang galing, nominado sa 35th Star Awards

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MARAHIL iilan lang ang nakakikilala kay Jose Guilas, isa sa news anchor ng PTV4. At a young age ay nagsimula si Jose sa ABS CBN News Department as news researcher. Tapos nagkaroon ng magandang oportunidad, lumipat siya ng ABC5 with full blessing ng mga namumuno sa Kapamilya Network. Sa ABC5 ay nabigyan siya ng pagkakataong maging news reporter at kaya siya ay napanood sa GMA TV

Nakita yata ng ABS-CBN ang galing niya sa pagre-report at nahimok ulit siya na bumalik. Matapos ‘yun ay nasa PTV4 na siya as news anchor na napapanood natin  gabi-gabi. Hindi pa siya gaanong kakilala dahil alam naman natin ang PTV4 ay isang government TV network at ilan lang ang tumututok dito. Pero dahil sa laki ng follower ni PBBM na 31M supporters ay dumating na ang manonood sa PTV4 na obligadong ipalabas lahat ang aktibidades ng Palasyo ng Malacanang at iba pang government institution.

Bata pa lang ay pangarap na ni Jose na maging news reporter pero hinahadlangan ng magulang at hindi bagay sa kanya. Gayunman, ipinagpatuloy niya ang kanyang pangarap at nangyari naman. Sa tagal na niya bilang news reporter ay marami na ang nakakapansin sa kanya ngayon. Bukod sa pagiging news reporter, kasalukuyan siyang Corporate Director of Communicatiions ng Newport Resorts Manila at nakakaya na niyang pagsabayin ang dalawang propesyon nila.

Dahil sa kahusayan niya, napansin siya at nominado sa 35th Star Awards for TV na magaganap sa January 28, 2023, 6:00 p.m. sa Winford Hotel at mapapanood ng live streaming sa Facebook.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …