Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sofia Pablo Althea Ablan Elijah Alejo Jillian Ward

Sofia malaki ang utang na loob sa Prima Donnas

RATED R
ni Rommel Gonzales

MALAKI ang pasasalamat ni Sofia Pablo sa Prima Donnas dahil dito siya nabigyan ng break at nabuo ang magandang friendship sa co-stars niya kagaya nina Althea Ablan at Elijah Alejo.

Kami naman po, mga ‘Prima Donnas’ co-stars po, ganoon pa rin kapag nagkikita, nagbabatian.

“Ayan! With Elijah, binati ko siya kasi sabay kami mag-airing ng ‘Underage.’

“Hindi po talaga sila mawala sa puso’t isip ko, kasi iyon ‘yung show na naipakita ko na, ‘Kaya ko ito, mahalin niyo ako guys,’ ganoon!

“So, ‘yung ‘Prima Donnas,’ nasa puso ko na talaga siya, forever and ever.”

Naunang inilunsad sa kanilang tatlo si Jillian Ward na bida ngayon sa Abot Kamay Na Pangarap na laging napakataas ng rating.

Pero sa Prima Donnas, si Sofia ang unang binigyan ng break na magbida sa isang primetime show, ang Luv Is: Caught In His Arms kasama si Allen Ansay na pilot episode na sa January 16, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Ako naman po ‘yung unang nag-prime time, of course, grateful din po.

“Pero para sa amin din po kasi, ang mahalaga naman po sa amin lahat, kaming apat, including Elijah, lahat kami may trabaho. And lahat naman po ng projects namin is magaganda.

“Mayroong doktor, mayroong back-to-back na nobela, mayroon namang ‘Underage’ na classic.

“I’m proud to all of us, kasi after ‘Prima Donnas,’ nandito kaming lahat at patunayan namin na kaya naming maging next generation stars,” sambit pa ni Sofia.

Ipakikilala sa Luv Is: Caught In His Arms ang mga bagong mukha ng Sparkada under Sparkle ng GMA Artist Center na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Tanya Ramos, Cheska Fausto, at Kirsten Gonzales.

Ang Luv Is: Caught In His Arms ay idinirehe ni Barry Gonzales.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …