Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sofia Pablo Allen Ansay Luv Is

Picture nina Sofia at Allen sa footbridge sa EDSA trending

RATED R
ni Rommel Gonzales

MARAMI na ang excited sa pagpapalabas ng Luv Is: Caught In Your Arms dahil ilang araw lamang mula nang ipalabas sa Facebook page ng GMA ang trailer nito ay mahigit isang milyon na agad ang views.

Bukod dito, nag-trending ang mga litrato nina Sofia Pablo at Allen Ansay na nasa tuktok ng footbridge sa EDSA corner Timog at nag-selfie sa tapat mismo ng billboard ng upcoming show nila.

Ang naturang series ay ang first collaboration project ng GMA Network at ng Wattpad Webtoon Studios.

Bukod kina Sofia at Allen ay tiyak na kakikiligan ang Sparkada boys na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, at Sean Lucas.

Tiyak namang maraming magkaka-crush sa Sparkle girls na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Tanya Ramos, at Kirsten Gonzales.

Kaabang-abang din ang magiging karakter ng social media star-turned-actress na si Rain Matienzo na napanood na rin sa TV sa seryeng Artikulo 247 at sa trending GMA series na Maria Clara At Ibarra  bilang si Salome.

Eere na ang Luv Is: Caught In His Arms sa January 16, 8:50 p.m. sa GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …