Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Beauty Gonzalez Gabby Concepcion

Gabby at Carla kapwa excited sa muling pagsasama sa isang serye

RATED R
ni Rommel Gonzales

NGAYON pa lang l marami na ang excited sa pagsasanib-puwersa sa unang pagkakataon sa isang serye nina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion sa isang drama series ng GMA Network, ang Stolen Life.

Sa interview ni Lhar Santiago, inilahad nina Carla at Gabby ang kanilang excitement sa bagong proyekto na ito sa GMA. Ang Stolen Life ay tungkol sa isang babaeng “mananakawan” ng buhay dahil sa astral projection.

Saad ni Carla sa interview, “It’s a privilege to be working again with Kuya Gabby.”

Nagkatrabaho sina Carla at Gabby noong 2015 sa programang Because Of You bilang sina Andrea at Jaime.

Pag-amin naman ni Gabby, ikinagulat niya na muli silang magtatambal ni Carla sa telebisyon.

Nagulat ako na kami ulit ni Carla. I’m really happy because nag-enjoy kami sa ‘Because Of You.’”

Makakasama nina Carla, Gabby, at Beauty sa Stolen Life ang mahuhusay na mga aktor at aktres na sina Celia Rodriguez, Divine Aucina, Anjo Damiles, Lovely Rivero, at William Lorenzo.

Ang Stolen Life ay sa ididirehe ni Jerry Sineneng at mapapanood sa GMA Afternoon Prime simula July 3.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …