Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards

Alden gagawa ng int’l movie, e-sports tournament

RATED R
ni Rommel Gonzales

WALANG achievement na madaling makuha, kaya naman si Alden Richards, lahat ng tagumpay niya ay pinagpuhunanan niya ng dugo at pawis.

At sa kanyang hirap at sakripisyo na pinagdaanan, marami siyang natuklasang magagandang bagay tungkol sa buhay, lalo na tungkol sa kanyang sarili.

Hindi naman talaga laging smooth sailing ‘yung buhay natin pero everything that has happened, at the end of the day may mga learning ako roon. So I’m very grateful for it. And I have to admit, hindi naging madali ‘yung 2022,” ani Alden.

Isa sa mga ginawa ni Alden ay ang kumawala sa kanyang comfort zone kaya naman na-explore niya ang pagiging mas malalim na artista, business owner ng mga restaurant, isang seasoned gamer, at producer.

May kaba at takot bago makamit ang bawat tagumpay at hinarap iyon ni Alden.

“’Yung kaba, ‘yung nervousness, iyon ang mga bagay na dapat mong ginagawa kasi it means hindi ka sure sa outcome. As opposed to you’re just in your comfort zone na alam mo na ang lahat ng turnout ng mga ginagawa mo.”

Ngayong 2023, mas mabibigat ang plano ni Alden, tulad ng paggawa ng isang pelikulang for international release, isang TV project na follow-up sa Start-Up PH, at mag-produce pa ng malalaking concerts tulad ng ginawa niya noong 2022 na isa siya sa mga producer ng reunion concert ng Eraserheads, ang Huling El Bimbo.

Mauunang project ni Alden for 2023 ang e-sports tournament ngayong Enero na pinakamalaking gaming tournament sa bansa na magbibigay ng exposure sa Filipino gamers sa iba’t ibang bahagi ng mundo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …