Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ian Veneracion Heaven Peralejo Mon Confiado

Ian V kitang-kita ang kakisigan

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NANAHIMIK Ang Gabi ang MMFF entry ng Rein Entertainment na pinagbibidahan nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo. Sa murang edad ay isang mapangahas na role ang pinasukan ni Heaven at ipinakita sa pelikula ang sexy body niya at may mga kissing scene sila ni Ian. 

Kahit may edad na si Ian ay kitang-kita pa rin ang kakisigan nito. Nakilala namin si Ian noong bata pa ito na minsan ay napapanood ko sa GMA Supershow ni Kuya Germs at regular sa That’s Entertainment. Napanood ko pa noon ang Joey and Son nila ni Joey de Leon at napaka-cute na bata noon si Ian. Pero na-maintain niya ang kanyang kaguwapuhan habang nadaragdagan ang edad.

Isang suspense thriller ang pelikulang ito nila ni Heaven. Napanood namin ang trailer at isa itong cautionary tale na tungkol sa pagharap sa consequences ng mga desisyon natin sa buhay. Isang gabi sa isang mansion sa isang liblib na lugar na dapat ay puno ng mainit at bawal na pag-ibig na mababalot ng karahasan at katatakutan na ‘di inaasahan na papasukin ng isang misteryosong lalaki na ginampanan ni Mon Confiado

Wish ni Direk Lino Cayetano na sana ay tangkilikin nating mga Pinoy ang mga pelikula sa MMFF at buhayin muli ang mga sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …