COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NAPANOOD namin ang pelikulang Laruan na pinagbibidahan nina PBB Housemate na si Franki Russell na taga-New Zealand with Kiko Estrada at Jay Manalo.
Napaka-sexy at super mestiza si Franki at naaliw kami sa dialogue niya na obvious na foreigner. Isang bida-kontrabida ang role niya na siyempre may mga sexy scene for Vivamax pero naitawid niya ito ng walang kaartehan with Kiko and Jay na isang painter ang role na ibinebenta.
Pabuya pala ang unang pelikula ni Franki pero sa Laruan siya nag-shine. Si Yam Laranas ang director nito.
Kabaligtaran daw ang tunay na personalidad niya sa Laruan pero nagawa niya ito sa tulong ng director.
Noon daw ay pangarap niya na magbida sa pelikula na mala-love story pero ‘yun nga naitawid niya ang Laruan. Kakaiba sa mga Vivamax movies ang Laruan at kaya maaaliw ang mga manonood. Kaya panoorin ninyo ito simula Dec 16.