RATED R
ni Rommel Gonzales
“GRABE! Napakaraming opportunities na nagbukas para sa akin dahil sa gaming,” umpisang kuwento ni Myrtle Sarrosa na kilalang gamer ng mga online o mobile video games.
“So kakagaling ko pa lang sa London kasi in-acknowledge nila ako as one of the top mobile gamers in the Philippines and pinalipad ako ng Call Of Duty para maglaro ng Call Of Duty Warzone and recently galing din ako ng Singapore para makipag-compete para sa isang tournament game to represent the Philippines kasama si ate Alodia para sa Call Of Duty Warzone 2.0 kaya sobrang… minsan overwhelmed pa rin ako sa dami ng mga ginagawa ko dahil sa gaming, at sa cosplay and nakatutuwa na nakaabot na ako sa ibang bansa,” pahayag ni Myrtle.
Sina Myrtle at Alodia Gosiengfiao, bukod sa mga kilalang mobile gamer ay mga cosplayer din, nagsusuot, nag-aayos, at nagbibihis sila ng costume ng mga sikat na personalidad, mostly ay mga anime character.
Samantala, si Myrtle ang bagong celebrity endorser ng Guitar Apparel undergarments at sa contract signing niya kamakailan ay present sina Arnold Chua (President) at Renze Banawa (Sales Manager/Sparkle GMA Artist Center).