Friday , November 15 2024
dead gun police

Sa Tanauan, Batangas
DATING AHENTE NG ONLINE SABONG PATAY SA PAMAMARIL

BINAWIAN ng buhay ang isang 40-anyos lalaking napag-alamang dating ahente ng online sabong nang barilin ng riding-in-tandem sa isang karinderya sa Purok 2, Brgy. Darasa, lungsod ng Tanauan, sa lalawigan ng Batangas nitong Miyerkoles ng madaling araw, 23 Nobyembre.

Kinilala ang biktimang si Alejandro Tañedo, Jr., alyas Lucky, 40 anyos, residente sa Brgy. Boot, sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na nakatanggap ang pulisya ng impormasyon mula sa Daniel Mercado Medical Center (DMMC) dakong 12:45 am kahapon na may dinalang biktima ng pamamaril.

Base sa imbestigasyon, dakong 7:30 pm noong Martes, 22 Nobyembre, nang magtungo ang biktima sa sabungan sa nasabing lugar at umalis na may dalawang kasama dakong 12:20 am ng Miyerkoles upang kumain sa isang karinderya.

Makalipas ng ilang minuto, dumating ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo saka ilang beses binaril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Tumakas ang mga suspek patungo sa direksiyon ng lungsod ng Sto. Tomas habang isinugod ang biktima sa pagamutan kung saan siya idineklarang dead on arrival.

Narekober ng mga imbestigador ang tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 baril at isang depormadong bala ng hindi matukoy na kalibre ng baril.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya upang matukoy ang motibo sa likod ng pamamaril.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …