Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manuel Bonoan Erwin Tulfo

DPWH Sec. Bonoan kompirmado
TULFO NG DSWD ‘NAKABITIN’ SA CA

NAUNSIYAMI ang kompirmasyon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) Committee on Labor, Employment, Social Welfare and Migrant Workers.

Ito ay matapos halungkatin ni CA Member Rep. Oscar Malapitan ang usapin sa citizenship ni Tulfo na siya ay naitalang enlisted personnel ng United States Army noong 1988 hanggang 1992.

Bukod dito, inihayag ni CA member Rep. Rodante Marcoleta ang conviction ni Tulfo sa kasong libelo sa mababang hukuman na hanggang sa kasalukuyan ay nakabinbin sa Korte Suprema.

Aminado si Tulfo sa naging conviction sa kanya ng mababang hukuman ngunit aniya kaniya itong inapela at hiniling sa mga miyembro ng komisyon na magsagawa ng executive session upang ipaliwanag ang lahat.

Ngunit sa kabila ng executive session ay bigo pa rin makompirma si Tulfo kahit ilan sa miyembro ng komisyon ay suportado ang kanyang nominasyon.

Tinukoy ni Marcoleta, sa ilalim ng batas ang nahatulan ng tinatawag na moral turpitude ay hindi maaaring humawak ng puwesto sa pamahalaan dahil ito ay immoral at dishonesty.

Ang kasong libelo ay sinabing isa sa mga nagtataglay ng moral turpitude na lubusang pinag-isipan ng buong komisyon.

Dahil dito, itatakda ang susunod na pagdinig sa nominasyon ni Tulfo upang higit na mapag-aralan ng komisyon ang mga isyu na inihayag laban sa kalihim ng DSWD.

Samantala kinompirma ng komisyon ang nominasyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Hindi naging madali ang kompirmasyon kay Bonoan dahil sa ilang paglilinaw o tanong ngunit nagawa niyang matugunan nang kasiya-siya sa mga miyembro ng komisyon para siya ay kompirmahin.

Dati nang nagsilbi sa DPWH si Bonoan at hindi niya inakalang babalik siya muli rito para muling magsilbi.

Pinangunahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kompirmasyon kay Bonoan, bilang pinuno ng komisyon. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …