COOL JOE!
ni Joe Barrameda
SA taong ito ay ipagdiriwang ni Martin Nievera ang 40th anniversary niya sa showbiz. Na-realized ni Martin na siya ay may future as a singer nang maging back-up siya ni Barry Manilow sa America mula sa 4,000 contestant sa California Talent Competition. Ang ama niya ay ang pamosong singer din na si Bert Nievera at gusto niyang sundan ang tinahak ng ama.
Nang umuwi rito sa Pilipinas ay agad siyang kinontrata ng Victor Music noong 1982. Si Vehnee Saturno ang nag-compose ng Be My Lady sa unang album niya na kumita noon. ‘Yun na ang simula ng sunod-sunod na hit songs ni Martin at agad namayagpag at sumikat through the years.
Nagkaroon siya ng iba’t ibang television shows. May mga pelikula rin siyang nagawa kasama ang dating asawang si Pops Fernandez.
Marami ring pinagdaanan ni Martin through the years. Hindi siya tumigil ng trabaho kahit nagkaroon ng pandemic. Wala siyang ginawa kundi bumiyahe para lang tumupad sa mga show na kinokontrata siya. Hindi siya pinagsasawaan ng mga audience na sumusubaybay sa kanya.
Kaya sa concert niya na M4M na idadaos sa Nov 19, Saturday, 8:00 p.m. at Solaire ay ikukuwento niya ang journey niya as a singer at special guest niya ang musical director niyang si Louie Ocampo na magdiriwang din ng 45th year niya sa Philippine entertainment.