Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Quijano, Oh, Mataac, Lanuza nanguna sa Marinduque chess

MANILA — Nanaig ang 21-anyos na si Toche Quijano, estudyante ng Bachelor of Science, Electrical Engineering sa Marinduque State College mula Buenavista, Marinduque kontra Mark Daniel Perilla ng bayan ng Sta. Cruz sa last round para tanghaling solo champion sa Open Division habang bida ang 9-anyos na si Lenette Shermaine Oh, Grade IV student ng Don Luis Hidalgo Memorial School matapos dominahin ang Kiddie Division sa 1st Governor’s Chess Cup 2022 na ginanap sa MSC Audio-Visual Room sa Tanza, Boac, Marinduque nitong 12 Nobyembre 2022.

Kasalo sa liderato si Perilla sa four rounds na may tig 4.0 points, ngunit giniba ni Quijano sa final round na tumapos ng perfect five points para makopo ang champion’s trophy at maibuslo ang P6,000 cash prize sa Open Division class.

Nagtapos sina Richard Pelaez ng Gasan at Joseph Ricafrente ng Torrijos bilang second at third placers na may tig 4.5 points.

Habang napako si Perilla sa 4.0 points at nahulog sa fourth hanggang seventh placers kasama sina John Christopher Corcuera ng Sta. Cruz, Jeric Mendoza, at Sergio Mataac.

Sa isang banda ay mas mataas ang tie break points ni Oh kay kapwa 4.0 pointer John Meneses Jayag para masungkit ang korona sa kiddie division at maiuwi ang coveted glass trophy plus P5,000. 

Sa Women’s Division, tatlong Sta. Cruz lady players na sina Serelyn May Mataac ng Sta. Cruz, Candy Mangandi, Vanessa Joy Regalado, at Maricar Andrin ng Gasan ang kapwa nakaipon ng tig-4 puntos para magsalo sa 1st hanggang 4th places.

Matapos ipatupad ang tie-breaks, ang 17-anyos na si Mataac ang itinanghal na kampeon para tanggapin ang kanyang trophy at P5,000 cash prize. 

Sa Senior Division ay kasalo rin ng 69-anyos na si Rodolfo Lanuza, Jr., ng Boac si Rosauro Garay at Gualberto Lusterio para sa top award pero nakamit ng una ang first place matapos ang tie-breaks. Naisubi ni Lanuza Jr.,  ang Trophy at P5,000 cash.

Inorganisa ng Boac Knight Chess Club, Inc., ang 1st Governor’s Chess Cup ay suportado nina Gov. Presby Velasco, Cong. Lord Allan Velasco, Bahay sa Kanto Café, Green Metro Builders and Dev’t Corp, Constructionline at Marinduque State College. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …