HINIMOK ni Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga, Jr., ang mga kasamahan sa Kamara na boluntaryong magbigay ng pinansiyal na tulong para sa mga naulila ng beteranong broadcast journalist na si Percival Mabasa, kilala bilang Percy lapid.
Sa House Resolution No. 508, sinabi ni Barzaga, nararapat magbigay ng tulong ang mga kongresista kasunod ng paglikom ng P5 milyong reward para sa makapagtuturo kung sino ang nagpapatay sa batikang mamamahayag.
Anang kongresista ng Dasmariñas, ang kontribusyon ay ibibigay sa pangangalaga ni House Secretary General Reginald Velasco.
Pinangunahan ni Barzaga ang kontribusyon sa halagang P100,000 kahapon.
Ani Barzaga, kailangang maibigay sa pamilya ni Mabasa ang malilikom sa 30 Nobyembre 2022.
“While giving of the reward for the immediate apprehension of the perpetrators of the crime, it is also equally important that we provide aid to the heirs of the slain journalist whose relatives are now suffering from threats and intimidation…” diin sa resolusyon ni Barzaga.