Sunday , December 22 2024
Jessa Macaraig The Pretty You

The Pretty You ni Jessa Macaraig lumalawig pa

LALABAN ako hanggang sa huli!” Ito ang matigas na tinuran ng dating Mrs Universe Philippines Pacific Continental 2022 Jessa Macaraig sa paglaban niya sa maling pamamalakad ng management ng sinalihan niyang beauty contest.

Ani Jessa, adbokasiya niya ang ipaglaban ang tama kaya naman hindi siya uurong hanggang hindi niya at ng mga kasamahan niya nakakamit ang hustisya.

Walang takot na ibinalik ni Jessa ang korona niya bilang Mrs Universe Philippines dahil hindi tumutugma sa prinsipyo niya ang sistema ng pamunuan niyon.

Bagamat abala sa pakikipaglaban, hindi naman niya isinasantabi ang pag-aasikaso ng kanyang negosyong The Pretty You na nang makausap namin ay ka-meeting ang bagong franchisee, si Ms Lee Leonardo na matatagpuan ang kanyang The Pretty You clinic sa Mafee Commercial Bldg., sa Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Ayon kay Ms Lee na may negosyo ring  Teleshop Philippines (isang kompanya ukol sa distribution at trading ng quality world class products), loyal client na siya ng The Pretty You sa Mandaluyong branch at doon nakita na niya ang maayos na pamamalakad ni Jessa.

Bago pa ang pandemic loyal client na ako ng The Pretty You.  At nakita ko kung gaano kaganda mangalaga ng mga kliyente niya si Jessa. And of course pati ng mga tauhan niya,” kuwento ni Lee.

Sinabi ni Lee na noon pa siya ine-encourage na mag-franchise hindi lang nila agad nasimulan dahil sa pandemic. Kaya naman nang magluwag na kaagad nilang sinimulan uli ang pag-uusap. 

Mahilig din kasi ako sa negosyo talaga” giit ni Lee. “Kaya eto na, magbubukas na kami sa Nov 8,” masayang pagbabalita pa ni Lee. 

Sinabi naman ni Jessa na matagal-tagal din niyang ine-encourage si Lee ukol sa kanyang negosyo. Hindi lang agad din naharap ni Lee dahil sa may negosyo rin iyong iba bukod pa sa hilig mag-aral. Napag-alaman naming nakailang kurso na si Lee at ang pinakahuling pinag-aralan ay ang pag-aabogasya. At nag-iisip pa siyang mag-aral muli kapag naayos na niya ang takbo ng The Pretty You.

Ani Lee, nagnenegosyo siya dahil gusto rin  niyang isakatuparan ang matagal nang pangarap o adbokasiya, ang makapagtayo ng foundation for the senior citizens.

Sa ngayon, may 25 branches na ang The Pretty You sa loob lamang ng tatlong taon at bago magtapos ang taon may tatlo png bubuksan sina Jessa.

Laging may right timing at kakabit niyan ‘yung sipag talaga. At siyempre lagi nating isasama si Lord sa lahat ng ginagawa natin dahil laging perfect ang mga plano niya. Siya ang nagplano ng lahat,” sabi pa Jessa. 

Bukod sa sipag, makataong pamamalakad, isa pa sa sikreto ng The Pretty You ay, “We have a wide range of facial treatments that are specifically made to target different skin concerns. Walk us through your skin worries and we’ll be glad to suggest which facial suits you best. Oh, and did we mention we also offer brow and lash services? We have it all! Bring out the pretty in you with us”, nakangiting paanyaya pa ni Jessa. (MVN)

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …