Sunday , November 17 2024
500 swimmers hataw sa Manila Swim Fest

500 swimmers hataw sa Manila Swim Fest

PINALAWAK ng Swim League Philippines (SLP) ang programa para sa mga batang swimmers gaya ng karanasang makadalo sa mga kompetisyon sa abroad sa ilalargang Manila Swim Fest ngayong Sabado, 5 Nobyembre, sa Philippine Columbian Association (PCA) sa Plaza Dilao, Paco, Maynila.

Ipinahayag ni SLP president Fred Ancheta, bukod sa medalya at premyo, gagamiting qualifying meet ang Manila Swim Fest para mapili ang ‘best swimmers’ na ipadadala sa kompetisyon sa Singapore at Thailand sa susunod na taon.

“Under the leadership of SLP through our founder Joan Mojdeh, we announced that the top performers in the Manila Swim Fest will be included in the team that will see action in the FINA-sanctioned tournament in Singapore, while our young and developmental team will be sending to Thailand as part of SLP grassroots development program,” pahayag ni Ancheta sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports nitong Huwebes sa Behrouz Persian Cuisine sa Sct. Tobias, Quezon City.

With the support of Langoy Pilipinas of Darren Evangelista , Yingfa Philippines and the Manila Sports Council (MASCO), Manila Swim Fest will be the biggest in term of participation so far under the SLP program,” pahayag ni Ancheta sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Persian Cuisine.

Kabuuang 500 swimmers mula sa 44 clubs at teams ang kompirmadong sasabak sa torneo na itinataguyod din ng CNLCSCA at Solid Coaches Association at panimulang torneo para sa  malawakang sports program ni Manila Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna-Pangan.

Matibay ang ugnayan ng SLP sa international swimming community, kabilang ang Dubai-based organizer ng Hamilton Aquatic Short Course sa Hamdan Sports Complex na palagiang nagwawagi ng medalya ang Pinoy, kabilang ang ngayo’y Philippine junior mainstay na si Michaela Jasmine Mojdeh.

Kamakailan, muling sumabak ang 9-man SLP squad sa naturang torneo, sa pangangasiwa ni coach Bryan Estipona, at nakapag-uwi ng isang silver at apat na bronze medal.

Nasungkit ni Charles Janda ang silver medal sa 50m backstroke, habang humirit ng dalawang bronze medals and Italian-born Pinoy na si David Morvyn Gillego (50m back at 50m butterfly) at may tig-isang bronze sina Andrae Kenzie Samontanes (200m fly) at Louis Andrei Lim (100m breast).

“Sayang po at nagkamali ako sa turn, gold medal sana ako,” pahayag ng 14-anyos na si Janda.

Ikinalugod ni Gillego ang desisyon ng ina na magbalik at manirahan sa Filipinas dahil mas naging focus siya sa swimming na natutuhan niyang mahalin sa batang edad na 4 anyos.

“Blessing in disguise po ‘yung desisyon ng Mommy ko na dito na uli kami sa Filipinas. Mas nabigyan ko ng pansin ‘yung training. Hopefully, makasali pa ako sa mas maraming international event,” aniya.

Kapwa katuparan sa kanilang pangarap ang medalyang napagwagihan nina Samontanes at Lim.

Kasamang dumalo sa programa at nagbigay ng mahalagang kaalaman hingil sa sports na Kurash ang mag-amang Roland at Alexander Llamas. (HATAW Sports)

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …