UMABOT sa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa Brgy. Mambaling, sa lungsod ng Cebu, nitong Martes, mismong Araw ng mga Santo, 1 Nobyembre.
Ayon kay Arson investigator Fire Office 3 (FO3) Emerson Arceo, tinatayang nasa P1.8 milyon ang halaga ng natupok na mga ari-arian sa sunog na naiulat na sumiklab dakong 9:58 pm at naapula bandang 11:07 pm.
Pinaniniwalaang isang napabayaang may sinding kandila ang pinagmulan ng apoy.
Tinatayang higit sa 500 katao ang apektado sa naganap na sunog na pansamantalang nanunuluyan sa barangay gymnasium.
Samantala, nagsimula ang City Social Welfare and Services na magbigay ng inisyal na tulong sa mga biktima.