NAKIPAGSOSYO na ang Metro Pacific Investments Corporation’s (MPIC) mWell, ang kauna-unahang integrated health app sa bansa sa top Zumba masters para ilunsad ang mWellness Score sa pamamagitan ng mWell Fitfest Tour Zumba challenge na inumpisahan sa Cebu kamakailan.
Ang mWellness Score ay personal in-app health tracker na sumusukat sa bilang ng ehersisyo, light activity, sedentary behavior, at tulog sa araw-araw gamit ang data-driven methods.
Ang mWell Fitfest Tour ay pinamumunuan ng celebrity dance diva, choreographer, at top Zumba instructor na si Regine Tolentino. Sa pamamagitan nito, ang Zumba communities sa bansa ay makakukuha ng first crack at mWellness Score sa pamamagitan ng nationwide Zumba challenge na nagsimula noong Oct 7 sa Cebu na marami ang sumali at nakisayaw sa Dance Workout 3.0 Marathon na naganap sa Insular Square sa Mandaue City.
Nagtuloy pa ang workout series sa Mandaue, Pampanga, Marikina, Las Pinas, at Quezon City. Puwedeng sumali ang mahihilig sa zumba dahil libre ito, tungo sa healthier lifestyle ng pagsasayaw at magkaroon ng pagkakataon makapag-uwi ng gift vouchers, shirts, at smartwatches. Kailangan lamang i-download ang mWell app at gamitin ang mWellness Score feature at i-flex ang scores sa kanilang social media pages.
At bilang suporta sa campaign, sinabi ni Ms Chaye Cabal-Revilla, MPIC’s Finance, Risk and Sustainability Officer at self-confessed Zumba enthusiast na, “Zumba is a fun and easy way to be healthy! It’s an accessible workout activity which allows anyone to stay fit without the need for expensive gear or workout equipment. It’s the perfect fit for the mWell user’s lifestyle. As a fully integrated platform, mWell provides health and wellness solutions in every step of the wellness journey—whether you’re unwell and need to consult with a doctor online or simply want to stay fit.
“I’m really excited to partner with mWell for this event. You won’t feel like it’s a dreaded workout. Just dress up, feel beautiful and empowered as you move to the music. You’ll burn a ton of calories too! It will be a blast. By monitoring my mWellness Score as I teach Zumba, I can easily stay fit and healthy, lower the risk of getting sick and be more productive,” sabi pa.
Sa pamamagitan ng mWellness Score, mabilis na magagamit ng mga mWell mobile app users sa pag-develop ng healthy lifestyle para sa long-term health, nang hindi na bibili pa ng extra gadgets or wearables.
Idinisensyo ito para sa mga busy sa kanilang buhay dahil ang mWellness Score app ay makokontrol ang kanilang health, maaabot ang kanilang fitness goals at maipaaalam ang kanilang lifestyle na napili para maiwasang magkaroon ng chronic diseases. Hindi kinakailangan ang biglaang pag-iiba ng lifestyle. Ang kailangan lang ay ilang tweaks para sa space ng physical activity at tamsng regular na pagtulog. At para maging exciting, pwedeng mag-set ang mWell users ng kanilang goals, o makipag-interact sa ibang nasa app.
Ang bagong innovation na ito mula mWell ay mula sa National mWellness Day, ang malaking nationwide online medical mission. Ang fastest-growing health app na ito ay nakapagpo-provide sa doctor consultations at nagsisilbing wellness guide. Ito ay nagwagi bilang Best Initiative in Technological Innovation sa The Asset ESG Corporate Awards–isa sa world’s leading at longest-running honors sa environmental, social, at corporate governance (ESG) space.