Friday , November 15 2024
dead gun police

Sa Maguindanao
KONSEHAL PATAY SA AMBUSH 

NAMATAY habang itinatakbo sa ospital ang konsehal ng Datu Montawal, sa lalawigan ng Maguindanao, matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa national highway sakop ng Brgy. Pagagawan nitong Lunes ng tanghali.

Ayon kay P/Lt. Nurjhasier Sali, acting police chief ng Datu Montawal MPS, kabababa ng biktimang si Konsehal Mubarak Moby Abubakar mula sa kanyang pulang Mitsubishi pick-up sa tabing kalsada upang bumili ng isda nang atakehin ng mga suspek.

Nabatid na habang nakikipag-usap si Abubakar sa tindero ng isda sa gilid ng kalsada, dumating ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo saka pinaputukan ng isa ang konsehal na tinamaan ng bala sa likod ng kanyang ulo at katawan.

Agad dinala ng mga barangay tanod at mga pulis ang biktima sa Deseret Surgimed Hospital sa Kabacan, Cotabato ngunit namatay habang nasa biyahe.

Pahayag ng pulisya, humingi na sila ng tulong sa mga tropa ng 602nd Infantry Brigade ng Philippine Army upang masukol ang mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …