Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun dead

Sa Batangas
HOSPITAL STAFF TINODAS SA FRAT ANNIVERSARY PARTY

PATAY ang isang 42-anyos empleyado ng isang pagamutan habang dumadalo sa anibersaryo ng kanyang fraternity sa lungsod ng Batangas nitong Linggo ng gabi, 23 Oktubre.

Kinilala ng Batangas PPO ang biktimang si Delfin Gonday, Jr., residente sa Brgy. Kumintang, sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, sinabing magkasama ang biktima at ang suspek na kinilalang si Felicimo Padilla nang dumalo sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Batangas Varsitarian Fraternity.

Dakong 10:00 pm, ikinagulat ng marami nang biglang bumunot ng baril si Padilla saka binaril si Gonday na tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dinala sa Batangas Medical Center si Gonday ngunit idineklarang dead on arrival ni Dr. Trina Regalado.

Iniimbestigahan ng pulisya ang insidente habang patuloy ang paghahanap sa tumakas na suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …