Friday , November 15 2024
gun dead

Kawatan tinangkang habulin Nursing student patay

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang nakapatay sa isang 18-anyos nursing student nitong Sabado ng madaling araw, 15 Oktubre, sa Brgy. Buaya, lungsod ng Lapu-lapu, lalawigan ng Cebu.

Kinilala ang suspek na si Rodel Cuizon, 42 anyos, at residente sa nasabing lugar habang ang biktima ay kinilalang si Johanna Xyrra Selim, 18 anyos, residente sa Brgy. Tayud, Liloan, sa naturang lalawigan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nilooban ni Cuizon ang apartment ni Selim at tumakas palayo dala ang cellphone ng biktima.

Hinabol ng kapatid na lalaki ng biktima ang suspek na kanya rin sinundan.

Nang makorner, binaril ni Cuizon ang dalaga na tumama sa kanyang kanang dibdib na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Samantala, nadakip ang suspek sa follow-up operation na ikinasa ng pulisya sa bulubunduking barangay ng Buaya, sa lungsod ng Cebu.

Ayon sa pulisya, dati umanong nakulong ang suspek dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Nakatakdang sampahan ng kasong murder at illegal possession of firearm suspek ngayong araw, 17 Oktubre.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …