TINUTUTUKAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang mga usapin kaugnay ng Philippine Offshore Gaming Operations.
Ayon kay Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil, inatasan ng Palasyo ang Philippine National Police (PNP) na pigilan at kontrolin ang mga krimen na kaakibat ng operasyon ng POGO sa bansa.
“Of course the President is closely monitoring this and as far as the President is concerned, ang PNP (Philippine National Police) po ang in charge dito sa usapin na ito,” sabi ni Garafil sa press briefing kahapon sa Malacañang.
Iniulat ng PNP Anti-Kidnapping Group na tumaas ang kidnapping cases na may kaugnayan sa POGO mula Enero hanggang Setyembre 2022.
Batay sa datos, may 17 POGO-related kidnapping cases ang iniulat kompara sa 12 insidente noong 2021. (ROSE NOVENARIO)