Sunday , November 17 2024
GMA Kapuso stars tulong bagyong Karding

GMAKF mabilis ang aksiyon sa mga sinalanta ni Karding

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MABILIS umaksiyon ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa ilang lugar na sinalanta ng Super Typhoon Karding.

Bilang bahagi ng kanilang Operation Bayanihan project, namahagi ang GMAKF ng relief packs sa mga apektadong residente ng Infanta, Quezon. Papunta na rin ang iba pang team ng GMAKF sa mga bayan ng Dingalan at Baler sa Aurora.

Nagsagawa rin ng feeding program para sa mga inilikas na residente sa Obando, Bulacan at Bagong Silangan, Quezon City.

Magtutungo naman sila sa Polillo Island para magbigay ng tulong habang nananatiling nakabantay sa iba pang lugar na mangangailangan ng agarang relief operations. 

Sa mga nais mag-donate, maaaring magdeposito sa iba’t ibang bank accounts ng GMAKF, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card. Bisitahin lamang ang official website ng Kapuso Foundation.

About Joe Barrameda

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …