Tuesday , December 24 2024
Pitmaster Foundation National Climate and Disaster Emergency Forum

Pitmaster Foundation-sponsored Nat’l Climate Change Summit kasado na

KAISA ang Pitmaster Foundation sa National Climate and Disaster Emergency Forum na nakatakda sa Huwebes, 22 Setyembre 2022, sa Discovery Primea Hotel sa Makati.

Inaasahang dadalo sa forum ang ilan sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na kinabibilangan nina Finance Sec. Benjamin Diokno, National Economic and Development Authority (NEDA) Director-General Arsenio Balisacan, Energy Sec. Raphael Perpetuo Lotilla, Climate Change Commission Sec. Robert Borje, at DENR Sec. Ma. Antonia Yulo-Loyzaga.

Dadalo rin sa summit sina University of the Philippines President Danilo Concepcion at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.

Si  Albay Rep. at climate police expert Joey Salceda ang magsisilbing guest speaker sa okasyon.

Bago ito ay nagbigay ng suporta ang Pitmaster Foundation na pinamumunuan ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang  sa ilang environmental rehabilitation efforts ng local government units ng Siniloan, Laguna at Real, Quezon sa pamamagitan ng financial, logistical at staff support para sa naturang forum.

Sponsors din sa forum ang tanggapan ni Rep. Salceda, ang Local Climate Change tor Adaptation and Development, 4K Foundation, Komunidad, UP Resillience Institute, at ang Project Noah.

Sa isang press release, binigyang-diin ni Pitmaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz ang kahalagahan ng ganitong  pagtitipon.

“Green solutions are atop our concerns in Pitmaster Foundation. Our partners and partner communities are affected by climate issues. So, we want solutions that will both create growth and solve our climate problems,” wika ni Cruz.

Ang Pitmaster Foundation ay kaisa sa mga ganitong adhikain at makaaasa ng buong suporta para maisulong ang climate policies para sa bansa, lalo pagdating sa community adaptation and renewable energy.

“We are proud to have engaged in environmental conservation since early in our founding as a non-profit organization. This is a continuation of that commitment.”

“With our support, we hope the climate forum will result in policy proposals and productive collaborations. We really wanted to get all the major decision makers together to exchange ideas, learn from each other, and find ways to solve our climate crisis.”

Ang mabubuong mga rekomendasyon sa gaganaping climate summit ay ipadadala sa tanggapan ni Presidente Ferdinand Marcos, Jr., para pag-aralan at makatulong sa mga ipatutupad na polisiya ng pamahalaan sa darating na mga panahon.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …