COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NAPAKATALINO ng nakaisip ng Vivamax. Kahit noong pandemic ay lumaganap ito dahil lockdown at walang magawa ang mga netizen kundi manahimik ng bahay at maghanap ng pagkakaabalahan.
Kaya rito lalong tumaas ang viewership ng Vivamax hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kaya walang humpay ang paggawa ng mga pelikula ang Viva Films para laging bago ang content nito.
Gaya ng The Escort Wife na napanood namin sa isang preview noong Biyernes na magsisimulang umere sa Vivamax. Isa na namang magandang pelikula ito ni Janelle Tee na isang beauty queen.
Ngayon pa lang ay mainit na ang pagtanggap ng fans niya at puro positive comment ang nababasa ko tungkol sa mga proyekto niya.
Kahit isang beauty queen ay walang arte si Janelle at kung ano ang ipinagagawa sa kanya ay hubad kung hubad lang. Walang kaartehan na makipagkangkangan kahit kanino bilang isang escort.
Hindi lang sa paghuhuba magaling si Janelle kahit sa pag-arte winner din ito. Kaya naman marami na ang nagawang pelikula.
Hindi kayo magsisisi kapag napanood ninyo ang The Escort Wife kasama si Raymond Bagatsing under the direction of Paul Basinillo.