Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Yap doctor

Pangarap na maging doktor ni Richard Yap natupad

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NGAYONG Lunes ay magsisimula na ang afternoon teleserye na Abot kamay Na Pangarap. Bukod kay Jillian Ward ay kasama rito as lead stars sina Carmina Villaroel at Richard Yap gayundin si Dominic Ochoa na nasa GMA na rin. 

Una ito sa GMA na may medical aspect ang team. Doktora ang role rito ni Jillian. Si Richard naman ay may medical background dahil kumuha siya ng premed noong college although hindi siya nagpatuloy. 

Ayon kay Sir Chief, ibang Richard ang mapapanood natin dito kahit tungkol sa pamilya, love, at career ang tema. 

Ang dati kong anak-anakang si Jillian ay challenging ang role. Ipina-witness sa kanila ng live ang isang brain procedure sa isang ospital para matutunan nila ang role na gagampanan sa Abot Kamay ang Pangarap. Kaya mas lalong tumaas ang respeto niya sa mga doktor. 

Ito naman ang first project ni Dominic as caring boss ni Carmina na may secret feelings sa kanya. 

Bukod sa kanila ay marami pang sikat na artista ang kasali gaya nina Pinky Amador, Andre Paras, Chuckie Dreyfus, Sophie Albert, Denise Barbacena at marami pang iba.

Isang illiterate ang role ni Carmina na ang anak ay si Jillian na isa namang genius.  Dahil sa hirap kaya hindi ito nakapag-aral at lumuwas ng Manila para maging flower vendor.  Kaya hirap sila sa pag-aaral ni Jillian dahil sa kahirapan. Pero may tumulong kay Jillian dahil nakitaan nga ito ng galing at naging isang ganap na doktor.

Kaya maganda ang story nito at magugustuhan ng mga televiewer tuwing tanghali sa GMA 7 after Eat Bulaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …