Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Boy Abunda Matteo Guidicelli Billy Crawford Dominic Ochoa Toni Gonzaga Paul Soriano

Kuya Boy, Matteo, Billy, Dominic nasa GMA na; Toni-Paul sa AMBS

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

FINALLY nakapirma na ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano sa AMBS, TV network ng pamilya ni dating Senator Manny Villar

Matagal nang nachichismis ang paglipat ni Toni sa nasabing network pero naging tahimik at walang pahayag ang actor/singer. Si Toni ay ilang taon ding naging exclusive contract star ng ABS-CBN na nagkaroon ng mga intriga sa mga kasamahan niyang artista nang makita ito sa mga campaign rally noon ni Pangulong BBM

Alam naman natin na halos lahat ng ABS-CBN stars ay mga pinklawan noong kampanya at hindi nila matanggap ang mga kasamahang nasa Unity Team. 

Si Boy Abunda naman ay sa GMA 7 na mapapanood sa pagbabalik niya sa showbiz. Malamang isang talk show ang unang project nito sa Kapuso Network.

Si Matteo Guidicelli at Billy Crawford ay sa GMA din mapapanood ganoon din si Dominic Ochoa na mapapanood na sa isang afternoon teleserye na Abot Kamay Na Pangarap na magsisimula ngayong Lunes. 

Hindi lang malinaw sa amin kung exclusive ang kontrata nila or per project basis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …