ni GLEN P. SIBONGA
AMINADO ang Gilas Pilipinas players na sina LA Tenorio at Gary David na kinilig sila nang malamang makakasama nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa pagiging local ambassadors ng Pilipinas sa FIBA World Cup 2023.
“Sino ba naman ang hindi kikiligin, ‘di ba?” bulalas ni LA. “Personally I’m very honored to be working with our Miss Universe. Actually, this is my second time working with Catriona. Alam naman natin na ‘pag nagsalita siya ay very inspiring. At saka ‘yung pagmamahal niya sa Pilipinas, sa mga Filipino especially sa mga bata. And ganoon din kami, as an ambassador we’re here to inspire also, not only to the players who will be playing to the 2023 FIBA World Cup but also to the Filipinos especially the kids who aspire to be basketball players. We’re not only here to promote para ipakita ‘yung culture ng Pilipinas, we’re here to inspire also. Everytime Catriona do this guesting or saan man siya magpunta I’m sure a lot of people… marami siyang nai-inspire especially mga bata. Ganoon din kami, we want to inspire more kids na someday katulad namin ay naglalaro rin sa FIBA World Cup.”
Ayon naman kay Gary, na pinuna naming may big smile noong makatabi si Catriona, “Siyempre kinilig. Sabi nga ni LA, malaking bagay ‘yung makasama namin si Ms. Catriona Gray na siguro Hindi lang ‘yung mga basketball fanatics ‘yung mai-inspire namin kapag nagpunta na kami sa mga peobinsiya kundi pati ‘yung mga kababaihan na nag-a-aspire rin sa Binibining Pilipinas (o sa beauty pageants) habang kasama namin siyang umiikot at ipino-promote ‘yung FIBA World Cup.”
Ano naman ang reaksyon ni Catriona na kinilig sa kanya sina LA at Gary?
“Na-flatter! But I also appreciate the opportunity to be surrounded by people who are so passionate about what they do, about their craft, and who at the end of the day would allow people to or give the opportunity to others to reach their same level,” paliwanag ni Catriona.
Nakausap namin sina Catriona, LA, at Gary sa ginanap na mediacon sa TV5 Media Center para sa FIBA World Cup 2023 One Year To Go Countdown na ipinakilala ang local ambassadors ng Pilipinas na kinabibilangan din ng iba pang miyembro ng Gilas Pilipinas Team 2013-2014 gaya na lang nina Larry Fonacier at Jeff Chan na present din sa event. Dumalo rin sa mediacon para talakayin ang mga paghahanda at magaganap sa FIBA World Cup 2023 sina Executive Director David Crocker, Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, SBP Vice President Ricky Vargas, Executive Director Sonny Barrios gayundin ang executives ng TV5, Cignal, at One Sports. Ang TV5 Chairman na si Manuel V. Pangilinan ang siya ring Chairman Emeritus ng SBP.
Ini-launch din sa mediacon ang second phase ng FIBA Basketball World Cup 2023 ticket sales with Final Phase packages. Dalawang exciting packages ang maaari nang mabili ng publiko – ang Finals Ultimate Fan Pass at ang Finals Superfan Pass. Maaari namang mag-register ang fans sa “Win For All” community at https://register.worldcup.basketball at mabili ang naturang passes sa early bird rates.
Ipagdiriwang din ng SBP ang one year to go milestone in partnership with FIBA sa August 27, 2022 na gaganapin sa SM Mall of Asia Music Hall. Iba’t ibang activities ang masasaksihan dito gaya ng Tissot Countdown Clock Launch, drone and fireworks display show, at may special guests pang dadalo at magpe-perform.
Ang Pilipinas ang magiging host ng FIBA Basketball World Cup 2023 kasama ang Japan at Indonesia bilang co-hosts.