Friday , November 15 2024
Cable Car

Cable cars, makabubuti sa seguridad at kapaligiran – Palafox

MAKABUBUTI sa seguridad at kapaligiran ang paggamit ng aerial cable cars bilang tugon sa malalang trapiko sa Metro Manila at ibang urban centers sa Filipinas, ayon sa batikang urban planner na si Felino “Jun” Palafox Jr.

Ayon kay Palafox, “future-proofing” na rin sa ating mga lungsod ang cable car system na ginagamit sa ibang bahagi ng mundo bilang sagot sa pagsikip ng mga daan.

“The cable car is environment-friendly, and will future-proof our cities,” sabi ni Palafox sa panayam sa DZRJ, tungkol sa paggamit ng cable car na huling iminungkahi ni Sen. Rob0inhood “Robin” C. Padilla nitong nakaraang linggo.

Dagdag ni Palafox, matagal nang iminungkahi ang paggamit ng cable car sa Metro Manila, at may ginawa nang tourism plan para sa cable cars na mag-uugnay sa tourist spots tulad ng Boracay at Caticlan, Davao City at Samal, at Ilocos at Cordillera.

Ipinunto ni Palafox, bumaba ang kriminalidad sa lugar na gumagamit ng cable car, kasama ang Medellin sa Colombia. Sa Medellin, tumaas din ang kita ng mga residente, dagdag nito.

Ani Palafox, mas kakaunti ang gagawa ng krimen kung marami ang nakatingin.

Isa pang benepisyo ng cable car ay mas madaling makita at aksiyonan ang sakuna tulad ng sunog, o ang mga paglabag sa batas tulad ng illegal logging.

Pero ang pinakamahalaga, aniya, ay hindi na masasayang ang oras ng mga empleyado sa pagbiyahe sa trabaho at pag-uwi. Aniya, anim hanggang walong oras ang ginugugol ng mga empleyado sa Metro Manila kada araw sa pagbibiyahe.

Ayon kay Palafox, maaaring maging landmarks ang mga tore ng cable car system kung itatayo ito sa EDSA – at kung aaprobahan ito, maaari itong mabuo sa loob ng 18 buwan.

Noong nakaraang linggo, iminungkahi ni Padilla ang aerial cable car para tugunan ang problema ng trapik sa Metro Manila. Aniya, dumaan na ito sa pag-aaral at aprobado ng nakaraang administrasyon.

Kasama sa mungkahi ng DoTr ang 4.5-km cable car system na uugnay sa mga siyudad ng Marikina at Pasig, na may mga stop sa Quezon City at Pasig. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …