Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imee Marcos Maid in Malacanang

Maid in Malacanang patuloy na pinipilahan; Sen Imee tiyak ang pagtulong sa industriya

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

TULOY-TULOY ang mga nanonood ng Maid In Malacanang na tumatabo sa takilya. Ang latest na narinig ko ay naka-P140-M gross as of Sunday evening. Ayaw magpatalbog ng 31M na bumoto kay PBBM last election.  

Para talagang May 9 election ang pilahan sa mga sinehan. Wala naman dapat pag-awayan ang dalawang kontrobersiyal na movie pero pilit pinag-aaway ang Maid In Malacanang at Katips. Ang MIM ay istorya ng pamilya Marcos ilang araw bago nila lisanin ang palasyo. Siyempre pamilya Marcos at mga household staff nila ang nakaaalam sa mga pangyayari sa loob ng palasyo. 

Walang puwedeng kumontrang iba dahil hindi naman nila alam ang kaganapan sa loob at walang kinalaman sa mga pangyayari sa labas. Kaya natatawa ako sa mga kumokontra na wala naman sila sa lugar ng pinangyarihan.

Umiikot na sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang cast ng Made In Malacanang gaya ng Davao, Cebu, Ilocos Norte at iba pa para alamin ang mga taong pumipila sa mga sinehan. 

Kapansin-pansin wala si Senator Imee Marcos sa Ilocos noong nagpunta roon ang mga artista ng MIM. Nabalitaan na lang namin na nagka-Covid pala ang butihing Senadora. Kasalukuyang nagaself quarantine ito at nagpapagaling.

Paano naman iba’t ibang tao ang nakakasalamuha niya the past several days. Kaya ingat tayo at hindi nawawala rito sa atin ang Covid 19.

Ang magandang napatunayan ng Maid In Malacanang at Katips ay buhay na muli ang showbiz at mga sinehan. Lalo pang malaki ang tulong ni Sen Imee na may pagmamahal sa showbiz at bilang Director General ng Experimental Cinema of the Philippines nakatitiyak tayo na tutulong siya sa pagpo-produce ng pelikula at hihimukin niya ang gobyerno na magbigay ng mga incentives para sa pelikulang Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …