HINDI hadlang kay Ruru Madrid ang pagiging abala sa taping ng Running Man PH sa Korea. Lagi siyang nakatutok sa teleserye niyang Lolong na namamayagpag ang ratings gabi-gabi sa GMA 7.
Sobrang pasasalamat niya sa mga netizen na sumusubaybay sa Lolong gabi-gabi.
Nakatutok din ako pero nababahala ako sa takbo ng mga pangyayari. Ang bilis ng oras sa dami rin ng komersiyal. Lagi ako nakaabang sa mga aksiyon at kung kailan mabubuko ang pagka-atubaw niya. Kaya nakasasabik ang mga eksenang mangyayari.
Na-miss ng mga artistang involve sa Running Man PH ang GMA Thanksgiving Ball noong Sabado ng gabi sa Shangrila, The Fort. Hindi sila nakarampa. (Joe Barrameda)