Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Gumabao GMA Gala

Marco Gumabao rumampa sa GMA Thanksgiving Gala

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAGING matagumpay ang GMA Thanksgiving Gala noong Sabado ng gabi na idinaos sa Shangrila The Fort. Hindi inalintana ng GMA artis ang malakas na buhos ng ulan sa buong maghapon ng Sabado habang naghahanda sa napakahalagang okasyon na iyon. Sa tagal ng panahon ay ngayon lang sila magkakasama na marami ay baguhan. 

Pinagmasdan namin ang pagrampa nila sa red carpet na buong ningning nilang ipinagmalaki ang mga kasuotan nila gawa ng mga pamosong designers.

Magkakasabay na rumampa ang mga magkakarelasyon habang single na rumarampa ang mga single at ang iba naman ay magkakabarkada. Totoo nga nasa Kapuso na si Marco Gumabao na nakita namin sa event na iyon. May mga bisita rin na hindi artista kundi mga politiko at mga negosyante. 

Siguro ay mga sponsor ng affairs komo fundraising ang event para sa Kapuso Foundation. 

Maayos ang nasabing event at sa pagsasama nilang ‘yon ay magkakakilala ang mga artista at hindi na ako magugulat na may nabuong relasyon ang iba. Tingnan natin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …