COOL JOE!
ni Joe Barrameda
BONGGA ang Apoy Sa Langit na afternoon teleserye after Eat Bulaga. Bumawi at namayagpag si Mikee Quintos. Ayaw magpatalbog sa kontrabida.
Pinag-uusaan ang teleseryeng ito. Suwerte ni Zoren Legaspi na napasama sa teleseryeng ito. Siyempre damay ang lahat sa success ng Apoy sa Langit.
Balita ko extended ang teleseryeng ito dahil mataas at consistent ang ratings. Very particular diyan si Atty Felipe Gozon na laging naka-monitor sa ratings.
Noong consistent na mataas ang ratings ng Magkaagaw naging paborito niya ang alaga naming si Jeric Gonzales na ayaw tantanan ng isang writer. Deadma lang ang alaga namin na pinoprotektahan ng network na pinaglilingkuran niya.
Abala ito sa taping ng bago niyang teleserye. Araw-araw ang taping at laging inaabot ng madaling araw. May mga schedula kasi sa abroad ang mga kasamahan nila roon.