Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maid in Malacañang

Maid in Malacanang dadalhin abroad, inaabangan na ng mga OFW

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAGING matagumpay ang press event ng Maid In Malacanang na ginanap sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel noong Linggo ng hapon. Feeling rich ang mga kasamahan sa panulat sa pagtuntong sa elegant at well decorated na Maynila na animoy nasa loob ka ng Malacanang. Ito ang rason kung bakit doon idinaos ang press launch.

Very much impress ang mga kasamahan sa panulat sa pagka-elegante ni Ruffa Gutierrez sa magandang red terno na suot na gawa ni Rajo Laurel. Napakaganda ni Ruffa na akmang-akma sa dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos. So elegant at magandang posture. 

Kaya naman very proud si Annabelle Rama na hindi nagpaunlak ng interview tungkol sa away nila ni Rowena Guanzon

Kompleto ang cast ng Maid In Malacanang na sa tingin namin ay very excited sa pelikulang ito. Lahat sila ay super ang pasasalamat na napabilang sa cast ng kontrobersiyal na movie na ito. 

Ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ang pelikula sa social media at marami ang nasasabik na mapanood ito na magsisimula sa Aug 3 worldwide. Ang mga cast ay mag-iikot sa iba’t ibang parte ng mundo na may mga Filipino para i-promote ang movie. 

Marami ring OFW na excited sa movie na ito. More than 31M plus ang bumoto kay PBBM at sure ako na nag-aabang ang mga ito. Kaya expected ng Viva Films ang box office nito sa takilya kahit may kamahalan ang ticket ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …