COOL JOE!
ni Joe Barrameda
GUSTO naming batiin si Ruru Madrid sa magandang pagtanggap ng mga netizen sa Lolong na matapos makaranas ng iba’t ibang problema, nakakuha ito ng mataas na ratings sa pilot at mga sumunod na episodes.
Maski kami noon ay nadedesmaya sa mga problemang inabot ni Ruru sa taping ng Lolong. Akala ko hindi na ito matutuloy. Pero heto namamayagpag sa ratings at isang big star na si Ruru.
Sana magtuloy-tuloy na ang pagbongga ng career niya na walang balakid sa kanyang tagumpay. Matagal ng pinapangarap ito ni Ruru.
Kasalukuyang nasa South Korea si Ruru kasama ang ilang cast ng Running Man PH na roon ang location. Aabutin sila roon ng 40 days bago bumalik ng Pilipinas. So, hindi sila makadadalo sa Sparkle Ball na magaganap sa July 30.