Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kyle Juliano

Kyle Juliano lalong mamahalin sa ibang bersiyon ng When I Met You 

MULING iparirinig ni Kyle Juliano ang galing niya sa pagkanta ng mga romantic songs sa paglalapat ng bagong tunog sa isa sa popular na awitin ng Apo Hiking Society, ang When I Met You.

Ang rising singer, na may 517,000 monthly listeners sa Spotify sa ngayon ay muling magpaparinig ng kanyang  romantic vocals sa awiting pinasikat ng Apo.

Walang duda na itong bagong handog niyang awitin ay muling magpapatanyag sa kanya bilang isa sa magaling na young pop at ballad singer ngayon. 

Maging si Kyle naman ay hindi makapaniwala na magagawan niya ng sariling version ang tanyag na  OPM song. 

Ang When I Met You ni Kyle ay may whole new level ng pagmamahal. Na ipinagpatuloy hanggang ngayong 2022 kasunod ang pagri-release ng Another Home noong February.

Sa bagong version ng WIMY ni Kyle tiyak na makapagbibigay ng sangkaterbang emosyon na tila nagpapaalala sa atin na iba talaga ang pakiramdam kapag nai-inlab. 

Ang When I Met You ay mapakikinggan na sa inyong mga paboritong streaming platforms na handog ng Universal Records.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …