Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Denj

Newbie singer-songwriter na si Denj may gustong patunayan

MATAGUMPAY na nailunsad ang sinle ni Denj ng Viva Records, ang Mamaya noong June 25, 2022 na ginanap sa roofdeck event venue ng Maxx Hotel, Makati. 

Ayon kay Denj sobra-sobra ang tuwa niya dahil sa suportang ibinigay sa kanya ng kanyang Hanpicked Management ni Eli Luna gayundin ng Viva Records para lalo pang lumawak ang kanyang kaalaman sa pagko-compose ng mga awitin. 

“Masaya po ako na finally ay heto na po ang ‘Mamaya’ single ko. Thank you po Viva Records, sa Handpicked Management ko po kay Kuya Eli Luna, sa 96 Guitar Studio ko, kay Jhames Joe at Maxz Hotel Makati,” ani Denj Gonzales, isang Filipina singer-songwriter and musician na ang inspirasyon sa musika ay may impluwensiya ng Folk/Pop alternative na hinaluan ng sarili niyang estilo.

Mahilig si Denj sa mga classic/old songs na awitin ng Carpenters gayundin ni DJ Alvaro, ng Beatles at iba pa. Paborito naman niya sina Yeng Constantino at Keiko Necessario kaya naman naimplusensiyahan din siya ng mga ito para magsulat ng mga kanta.

Actually ngayong pandemic lang naging recording artist si Denj. Inilunsad niya ang tatlo niyang single na naging daan para maitampok siya sa iba’t ibang radio stations at variety shows. At bagamat may pandemic pa rin, tuloy-tuloy pa rin siya sa pagko-compose gayundin ang pagpe-perform kasama ang isang acoustic band, ang In between Acoustics at online recordings.

Nang matanong si Denj kung ano ang ibig sabihin ng awitin niyang Mamaya, aniya “Can loving you more will change everything? Or do I have to go to make you love me?  Being left behind without saying goodbye creates the ultimate scenario of ambiguity. It is not a beautiful experience. It is more painful especially if you’re someone who loves truly and deeply. But despite everything the song shows us that the lover still chose to love and has come to know, at least, that life after a breakup (even without a goodbye) can still be meaningful, happy, and exciting.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …