Friday , November 15 2024
dead gun police

Sa Davao de Oro
BRGY. CHAIRMAN  TODAS SA BOGA

UTAS ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. Andili, bayan ng Mawab, lalawigan ng Davao de Oro, nitong Lunes ng umaga, 20 Hunyo.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Elizalde Malcampo, chairman ng Barangay Kinuban sa karatig-bayan ng Maco.

Ayon sa salaysay ng mga nakasaksi, galing sa Andili Elementary School ang biktima, matapos ihatid ang kaniyang apo.

Nang pauwi na si Marcampo sakay ng kanyang motorsiklo, sinundan siya ng mga armadong lalaking magkaangkas sa itim na motorsiklong walang plaka.

Tinabihan ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima saka walong beses na pinutukan ng baril.

Agad dinala sa Davao Regional Hospital ang biktima ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy ang hot pursuit operation na ikinasa ng pulisya upang matunton at madakip ang mga responsable sa krimen.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …