NABALAHO ang Saudia Airlines flight SV862, may 420 pasahero at crew sa malambot at madamong bahagi ng Taxiway Charlie ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang lumapag sa nasabing paliparan kahapon ng hapon.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), walang nasaktan sa mga pasahero at crew nang pumaling ang ang kanang bahagi ng landing gears habang nagmamaniobra ang eroplano dakong 1:47 pm patungong parking bay ng NAIA terminal 1 at humantong sa madamong bahagi ng taxiway.
Nailipat agad ang mga pasahero sa terminal 1, ayon sa MIAA.
Dadag nito, walang flights na naapektohan sa nasabing insidente at ang ibang flights sa paliparan ay patuloy sa kanilang schedule.
Nagagamit din ang ibang portion ng Taxiway Charlie sa kabila ng pangyayari.
Ayon sa MIAA, nasa site sina MIAA General Manager Ed Monreal at Civil Aviation Authority Director General Jim Sydiongco para sa supervising recovery operations.
Narekober ang eroplano at naiposisyon sa sementadong bahagi ng Taxiway Charlie para hilahin patungong remote parking ng NAIA. (RR)