Monday , December 23 2024
CAAP

CAAP namigay ng help kits

NAMAHAGI ng Malasakit Help Kits ang pambansang aviation regulator sa mga paliparang nasa ilalim ng kanilang superbisyon.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesman Eric Apolonio, binigyan ng freebies ang mga biyaherong tatay (traveling fathers) para sa espesyal na Father’s Day.

Sa kabila ng limitadong bilang ng Malasakit Help Kits ay maayos na naipamigay ng Malasakit Help Desks ang mga personal care products na tulad ng hand sanitizers, wet wipes, bottled water, biscuits, at snacks.

Dagdag nito, kasalukuyang namimigay ng Malasakit Help Kits ang mga CAAP personnel sa Bicol International Airport, Laguindingan Airport, at Zamboanga Airport.

Ang naturang inisyatiba, pinangunahan ni Department of Secretary Art Tugade, ay para mabigyan ng pagpapahalaga ang mga pasahero sa pamamagitan ng tanda ng pasasalamat na magbibigay ng komportableng pagbiyahe.

Ang nasabing aktibidad ay madalas isinasagawa kapag may espesyal na okasyon at holidays sa bansa.

“As we rise back up from everyday challenges, CAAP wants to make fathers feel extra special today and hopefully bring smiles to their faces through this thoughtful gesture,” ani CAAP Director General Jim Sydiongco. (RR)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …