Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasaway na sinapak ng dating British heavyweight champion plastado

TULOG ang pasaway na lalake na dumuro sa dating British heavyweight champion Julius Francis,  na minsang nakaharap sa ring si Mike Tyson.

Si Francis ay nagtatrabaho bilang security guard sa BOXPARK Wembley.

Viral ngayon ang 57-year-old  na dating boxer sa social media na ipinakita sa aktuwal na footage ang lakas ng pagpapakawala ng kanang kamao nito.

Pinatulog ni Francis ang agresibong lalake sa pamamagitan ng isang right hook.

Sa video, makikitang nakikipagsagutan ang lalake sa kapwa niya security sa labas ng BOXPARK Wembley habang inaawat ng iba pang guwardiya ang lalake para ilayo sa venue.

Naging agresibo ang lalake at nagpakawala ito ng suntok sa nakasagutan kung kaya nakialam na si Francis sa gusto na nangyayari.

Patuloy ang masasamang salita ng lalake kaya siya na ang nag-escort dito para ilayo.  Pero sa halip na kumalma, dinuro-duro siya ng pasaway  na nagpainit din ng ulo ni Francis.  Ang ganti ng panduduro sa kanya ay isang malakidlat na right hook para bumagsak ito na walang malay.

Ayon sa pulisya na rumesponde:    “Police are aware of footage circulating on social media showing an incident involving security staff and a member of the public outside BOXPARK in Wembley. 

“An investigation into the circumstances, including to establish the identity and welfare of those involved, is under way. 

“There have been no arrests and enquiries are ongoing.”

Ayon naman sa BOXPARK spokesperson: “Our team are aware of footage being shared online.

“This incident is currently under review and part of an ongoing police investigation, and therefore we are unable to comment further on the incident at this time.

“We would like to stress that the safety and welfare of our customers and our staff is our number one priority.”

Patuloy na iniimbestigahan ng Pulisya ang insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …