Wednesday , November 13 2024
MMDA, NCR, Metro Manila

MMDA handa sa Oplan Balik Eskuwela 2022-2023

NAKAHANDA ang Metropolitan Manila Developmwnt Authority (MMDA) para sa Oplan Balik Eskuwela sa 2022-2023.

Kinompirma ng MMDA, handa sila para sa Oplan Balik Eskwela 2022 para matiyak na ligtas ang pagpapatuloy ng 100% face-to-face classes sa buong bansa sa buwan ng Agosto.

Ayon kay Atty. Victor Nuñez, pinuno ng MMDA Traffic Discipline Office (TDO) – Enforcement, nakatuon ang ahensiya na protektahan ang mga batang bumibiyahe papasok sa paaralan bilang paghahanda sa

academic year 2022-2023.

Aniya, nagpulong ang mga school administrator, Parent-Teacher Associations (PTA), at local traffic bureaus sa National Capital Region para pag-usapan ang road safety sa mga school zone.

Ani Nuñez, ang kaligtasan sa kalsada ay isang shared responsibility na titiyaking maipapatupad ang mga batas trapiko.

Ang ahensiya ay mayroon din Children’s Road Safety Park sa Adriatico St., Maynila na naglalayong isulong ang mas malalim na pag-unawa tungkol sa kaligtasan sa kalsada at disiplina sa trapiko.

Aniya, patuloy na nakikipag-ugnayan ang MMDA sa (DOTr),  (LTO), at (LTFRB), upang bantayan ang mga motorista para maprotektahan ang kaligtasan ng mga gumagamit ng kalsada. (GINA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Rapist ng menor de edad tiklo, 4 pang wanted arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang lima-kataong pawang pinaghahanap ng batas sa isinagawang manhunt police operations …

arrest, posas, fingerprints

5 miyembro ng Nigerian KFR group timbog, kalahing biktima nasagip

SUNOD-SUNOD na naaresto ng mga awtoridad ang limang Nigerian nationals na sinasabing dumukot sa kapuwa …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

OFW sa Kuwait wagi ng house & lot sa 13th summit

OFW sa Kuwait wagi ng house & lot sa 13th summit

ISANG overseas Filipino worker (OFW) mula sa bansang Kuwait ang nagwagi ng isang brand new …

ASEAN-EU summit

PH Capital Market dapat ihanay sa iba pang mga bansang ASEAN

NAGHAIN si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong ihanay ang capital market ng …