Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chess Professor Lim Kok Ann Invitational

Filipino IM  Dimakiling nananalasa sa Grand Copthorne Prof. Lim Kok Ann Inv’l GM Tournament  sa Singapore

NAGPATULOY ang pananalasa ni Filipino International Master Oliver Dimakiling sa Grand Copthorne Professor Lim Kok Ann Invitational GM Tournament 2022 na ginaganap sa Grand Copthorne Waterfront, Singapore.

Matapos talunin sina Vietnamese Grandmaster Nguyen Anh Dung sa first round  at Singaporean Woman Grandmaster Gong Qianyun sa second round  ay nailista  ni Davao City native Dimakiling ang ikatlong sunod na panalo  laban kay  Australian International Master IM James Morris sa third round nitong Martes.

Nagpakitang gilas din si  GM Tin Jingyao ng Singapore matapos gibain ang kanyang kababayan na si IM Jagadeesh Siddharth tungo sa total to 3.0 points para makatabla  kay Dimakiling.

Makakalaban ni Dimakiling si Tin Jingyao  sa fourth round sa Miyerkules.

Ang Dubai based Dimakiling ay nangangailangan ng isa pang norm tungo sa GM title na marami nang  taon niyang inaasam.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …