TINIBAG ng Japan U16 national team (2-0) ang Gilas Pilipinas Youth U16, 73-67 sa preliminary round para manguna sa Group C sa pagpapatuloy ng 2022 FIBA U16 Asian Championship nung Martes sa Al Gharafa Sports Club Multi-Purpose Hall sa Doha, Qatar.
Pinangunahan ni Yuto Kawashima ang Japan nag maglista ito ng double-double performance na may 26 puntos (10/21 fg. 3/7 3pt. 3/6 ft) kasama ang 18 rebounds at 3 assists. Samantalang si Leon Watanabe ay nag-ambag ng 16 puntos at 9 rebounds.
Naging si bida naman sa Gilas si Caelum Harris na may 18 puntos sa 7-of-18 shooting, 6 rebounds, 2 steals at 1 assist sa 31 minuto ng paglalaro, samantalang si Jared BAhay ay tumapos naman ng 12 puntos, 6 rebounds, 3 assists at 3 steals.
Dahil sa panalo ay umabante ang Japan sa quarterfinals habang ang Philippines na may kartang 1-1 ay kailangan harapin ang Kazakhstan (0-2) sa Huwebes, June 16 sa ganap na 8:45 PM para sa puwesto sa quarterfinals. Ang mananalo ay haharapin naman ang wala pang talong Australia (3-0).