MATAPOS maapektohan ng phreatic eruption at volcanic activity ng Mt. Bulusan sa Bicol region,
nag-anunsyo ang foreign airlines na ipagpapatuloy na nila ang flight operations ngayong Lunes.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nagbigay abiso ang ilang foreign airlines na naka-re-schedule ang nakanselang flights nitong Linggo, 12 Hunyo, nag-resume ang kanilang flight operations (padating at paalis) nitong Lunes, 13 Hunyo.
Ilan sa mga sumusunod na international flights ang nagbalilk ang operations: Jeju Air (7C); 7C 2305 Incheon-Manila NETA: 1315H, June 13
7C 2306 Manila-Incheon NETD: 1440H, June 13
Jetstar Asia (3K) 3K 1765 Singapore-Manila NETA: 0730H, June 13 3K 1766 Manila-Singapore NETD: 0810H, June 13 Asiana Airlines (OZ) OZ 703 Incheon-Manila NETA: 1115H, June 13 OZ 704 Manila-Incheon NETD: 1235H, June 13 Korean Air (KE) KE 623 Incheon-Manila NETA: 1025H, June 13 KE 624 Manila-Incheon NETD: 1150H, June 13.
Sanhi ng pagbuga ng volcanic ash ng Mt. Bulusan napilitan ang local airlines nitong Linggo na magkansela ng ilang flights.
Ang local airlines ay kinabibilangan ng Cebu Pacific, CebGo, Philippine Airlines, at AirAsia Philippines. (RR)