Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Khieszia Danielle Narral

Super Girl Khieszia Gold Medalist, Best Lifter Awardee  sa Powerlifting event

NAKAMIT ng 12-years-old at tinaguriang Super Girl  ng powerlifting na si Khieszia Danielle Narral, 36kgs bodyweight ng Cyber Muscle Gym Team,  ang gold medal at Best Lifter Award sa ikalimang pagkakataon  sa katatapos na 2022 PH National Interschool, Novice & Special Athletes Equipment Powerlifting Championships na ginanap sa Decathlon sports Marikina nung Sabado, Mayo 28-29.

Binuhat ni Narral sa Squat ang 67.5 kgs o 148.5 lbs, Bench Press- 32.5kg o 71.5 lbs, Deadlift – 80kgs o 176 lbs, at Total – 180 kgs.

Sinabi ng kanyang father/coach Cirilo Dayao na malaki ang potensiyal  na mapasama si Narral sa PH National team ng Powerlifting sa susunod na taon dahil patuloy itong lumalakas at gumaganda ang kondisyon sa training. Nagpapasalamat din si coach Dayao sa Team HD Weightlifting Team sa pangunguna ni Hidilyn Diaz at Coach Julius T. Naranjo dahil malaking tulong din ang pinapadala nilang programa ng Weightlifting para lalo pang lumakas ang mga atleta.

Kasalukuyan ding nagti-training ang buong Cyber Muscle Gym Team ng weightlifting na may kumbinasyon ng powerlifting program.

Naka-gintong medalya rin sina  Aeron Paul Casamayor – 59kg open div. ng kinetix Iron Quest;    Philip Lawrence Trinidad- 59kg Novice div. , Zest;   Derick Dizon Tano- 33 kgs developmental div.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …