Friday , November 15 2024
Lunod, Drown
Lunod, Drown

Alagang baka sinubukang paliguan
TOTOY SA PANGASINAN NALUNOD SA ILOG, PATAY

BINAWIAN ng buhay ang isang 8-anyos batang lalaki nang malunod sa Ilog Agno, sa bayan ng Alcala, lalawigan ng Pangasinan, habang pinaliliguan ang kanilang alagang baka.

Kinilala ang biktimang si Jozzel John Rigor, 8 anyos, grade 2 pupil, mula sa Brgy. San Vicente, sa nabanggit na bayan, kasama ang kanyang tatlong pinsan, ay nagdesisyong tulungan ang kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pagpapaligo sa kanilang alagang baka sa Agno River sa Brgy. Laoac.

Nabatid na hindi nagpaalam ang biktima sa kanyang mga magulang at lumangoy sa ilog kasama ng kanyang mga pinsan.

Sa kasamaang palad, tinangay ng malakas na agos ang bata na naging sanhi ng kanyang pagkalunod.

“Tulala ang mga kasamang bata makaraan ang pangyayari at sa kanilang murang edad na hindi alam ang gagawin sa pagkabigla,” pahayag ng isang residente.

Agad tumawag sa pulisya ang mga residente upang masagip ang bata ngunit kalaunan ay idineklarang dead on arrival sa Bayambang District Hospital.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …