Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Cooper

James Cooper pumanaw sa edad 73

NAMAALAM na ang veteran hairstylist at celebrity make-up artist na si James Cooper noong May 29 sa edad 73.

Ayon sa ulat, bigla na lamang daw nawalan ng malay si James habang nasa San Pablo Cathedral sa San Pablo, Laguna para sa isang Santacruzan. Mabilis na isinugod sa Community General Hospital ang international hairstylist bandang 6:20 p.m. ngunit hindi na ito nai-revive ng mga doktor.

Ayon naman sa kapatid ni James na si Grace San Miguel Agsalud sa panayam ng ABS-CBN, “Naghahanda sila sa prusisyon ng Santacruzan sa San Pablo Cathedral nang bigla siyang tumumba.

“Nag-attempt sila several times to revive him sa community hospital ng San Pablo,” aniya pa.

Noong May 18 lang ipinagdiwang ni James ang kanyang 73rd birthday.

Wala pang pahayag ang pamilya ni James ukol sa kanyang burol.

Ilan sa mga international stars na inayusan ni James noon ay sina Farrah Fawcett, Victoria Principal, Barbara Carrera, at Jamie Lee Curtis. Siya rin ang unang Filipino na itinampok sa French Vouge at itinuturing ding first Filipino to introduce his own make-up line.

Nakilala rin siya bilang official make-up artist at hairstylist ng Diamond Star na si Maricel Soriano. Naging make-up artist din siya sa mga pelikula nina Sharon Cuneta, Lorna Tolentino, Dawn Zulueta, at Alice Dixson.

Bago si James, yumao rin noong May 10 ang isa pang kilalang make-up artist na si Fanny Serrano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …